Nararamdaman kong malapit na ang panahon na kailangan ko ng bitawan ang lahat lahat ng mga bagay na pinanghahawakan ko ngayon at kung ano pang meron ako na ginagamit ko bilang maskara sa kabulukan sa sarili ko. Tama, pag may problema ka magsuot ng maskara. Mali, dahil kahit maskara nasisira din.
Hindi na ako naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong na matagal ng umuukilkil sa isipan ko. Hindi na ako ang taong mapaghanap ng kahulugan, ng kalaliman at kababawan dito sa mundo. Sa paghahanap ko ng kalaliman lalo lang ako nalulunod. Sa Paghahanap ko ng kasagutan lalo lang ako naliligaw at patuloy akong mauuhaw. Walang katapusang pag-ikot... Patuloy sa pag-ikot.. paulit ulit lang akong maliligaw...
Nakita ko sa iyong kababawan ang iyong kalaliman. Kung malabo man may kahulugan pa din.
Nasasalamin ko sayo ang mga bagay na nalimutan ko nang balikan...Sa bawat tipa ng iyong isip sa mga salitang bubuo sa iyong nararamdaman nakikita ko... Oo nakikita ko ang sarili ko. Minsan naisip kong ipakita din ang nasa isip ko. Gusto ko lang malaman kung maaaninag mo din ba ang sarili mo tulad ng naramdaman ko. Pero tingin ko, imposible... Dahil kuntento ka na sa sarili mong mundo at sa kadilimang lumulukob sayo... Sabi mo nga gusto mo sa dilim. Madilim ang iyong mundo... Madamdamin ka ba? Ako? Wala namang makakaalam. Dahil lilipas at lilipas din ito. Tulad ng light house na nkita ko... wala ng ilaw ngayon...
Di mo rin naman alam ang nasa isip ko at ayoko na ring malaman ang nasa isip mo dahil baka mapasisid lang ulit ako... Sinabi ko ng ayoko ng lumangoy pa...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment